Sunday, October 12, 2008

Letting Go

“Ayaw mo na ba talaga sa akin?”, sambit niya habang nakalapit ang kanyang mga labi sa aking mga tainga. Naglalakad kami non patungo sa lugar kung saan kami maghihiwalay ng landas. “Hindi mo na ba ako gusto?”, ukilkil niya.”Hindi ba kailan lang ay nangako kang magsasama tayo sa hirap at ginhawa, kahit na pumuti pa ang hibla ng ating mga buhok”. Hindi ako nakaimik. Tama siya. Hindi ko napanindigan ang aking mga salita. Tinalikuran ko ang aking pangako. Subalit ako man ay naguguluhan din. Ilang hakbang pa ay naroroon na kami, kinukutya ako ng pagdadalawang isip. Gusto ko rin siya. Pero hindi kami nararapat na magsama sa pagkakataong ito. Ayaw makisama ng tadhana. Kailangan kong mamili. Siya o ang aking kinabukasan.

Mahirap ang pumili. Lalong mahirap kung may masasaktan at may maiiwanan. Hindi sapat ang sabihin magkikita naman tayong muli o nandito lang ako. Mahirap ibalik ang panahon. Bakit nga ba kailangan pang mamili? Dahil may pamantayan ang mundong ating ginagalawan. Hindi lahat ng matamis, hindi lahat ng masaya ay tama. Hindi lahat nang bagay ay uukol sa panahon. Kaya kahit masakit, kahit may panghihinayang. Kahit alam kong matatagal bago ko siya muling makita at makasama, sa pagkakataong ito, kailangan ko munang bumitiw.

Maging ikaw marahil ay nagpaunlak na rin sa ganitong siwtasyon. Kung saan kailangan mong bitawan ang isang bagay kahit alam mong napalapit na siya sa iyo at mahal mo na siya. Hindi gusto ng magulang mo ang iyong kasintahan. Kailangan mong pansamantalang lumayo sa iyong pamilya dahil ikaw ay magtratrabaho sa ibang bansa. Umiwas muna sa lovelife para makapagconcentrate sa pag-aaral. O pagpaparaya sa taong minamahal dahil mayroon na siyang ibang itinitibok ng puso. Masakit kung iisipin, pero kung tutuusin, para naman sa kabutihan ng lahat ang pagpaparaya at pagsasakripisyo.

Kinabig ko ng pintuang salamin ng aming pupuntahan, buo na ang aking pasya. Nakita ko ang aking sarili pati na rin siya na tila balot ng pagsusumamo. Hinawakan ko siya nang pahaplos, isang pagpaparamdam na hindi naman kami maghihiwalay nang tuluyan, pansamantala lang habang ako ay naghahanap ng kinabukasan. Alam kong maikli na rin lang ang panahon ilalagi niya sa mundo pero wala akong magagawa. Kelangan ko siyang bitawan at iwaksi sa aking paningin. Hindi magiging maganda kung makikita pa kami ng tao na magkasama, tiyak na makakasira sa aking plano, at yun ang pinakamahalagang bagay sa akin ngayun. Sana ay mapatawad niya ako.

Ilan saglit pa ay umupo ako at binalutan ng kapa. Ayoko sanang tumingin pero hindi ko magawa. Unti unti na siyang nawawala sa aking paningin at pakiramdam. Pahina nang pahina ang kanyang mga bulong. Hanggang ilang minuto lang ang lumipas, ako’y nakawala sa kanyang anino. Wala na siya, pinakawalan ko na siya......

Ending:

Sa pagtalikod ko sa salamin nang mag-isa, isang sulyap pa ang aking inalay sa kanyang pinatunguhan. Nagkalat na sa sahig ang hibla ng aking mga buhok na parang kailan lang ay pinangarap kong pahabain sana kasabay ng aking mga pangarap.

-0-

Pero ok na rin, bagay naman sa akin ang bago kong hairdo. Saka kailangan talagang gupitin kasi kumukulot na siya eh marami pa naman akong job interviews ngayun.:-)

3 comments:

jhuice,  October 13, 2008 at 5:46 AM  

grrrr!!! sobra tong article na to ah! sabi ko nga seio knina, halos maiyak pa ko habang binabasa ko! tas un lng pla! kainis! i got carried away! sobra! hmpf!

bonggang-bonggang article about haircut! san ka pa!??!

lucas October 13, 2008 at 7:13 AM  

been here... mahirap talagang maglet go :(

Lance October 14, 2008 at 2:30 PM  

can't picture out you having long hair..haha