Saturday, October 11, 2008

Confession of a Drama King

Kakadating ko pa lang ng bahay, galing kaming overnight out of town trip kasama ang mga friends ng friend ko. Supposed to be last week sana ito kaya lang kasi di kami nakakuha ng mas maagang booking. Beach outing ire, supposed to be masaya pero ewan ko, hindi ako nag enjoy, kasi may bumabagabag sa akin, may malaking problema ako. Hinahabol ako ng sarili kong multo. Pero hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sito sa ngayun, kasi alam kong maraming madadamay. Marami ang magugulat, meron magagalit, may manghihinayang, may maaawa, may malulungkot, may maiiyak pero sigurado akong meron din naman matutuwa at magsasabing "buti nga sa 'yo". Saka ko na lang sasabihin pag ok na ko ulit. Pag nakahanap na ko ng solusyon. Dati pinapabayaan ko lang pag meron akong problema, pero this time, hindi pwede. Marami ang nakasaalang alang.

Kaya kagabi, kahit nararapat lamang na kami ay magsaya ay hindi ko na rin nakuhang makisabay sa inuman, sa kantahan, sa kainan pati na rin sa kwentuhan. Pinili kong matulog na lang at huwag na munang maki join kasi alam kong isang tanong lang sa akin ay posibleng mabanggit ko ang tungkol sa aking saloobin at ayokong makasira ng pagdiriwang. Isa pa, hindi ko rin naman silang lahat close friends kaya maintindihan naman nila siguro kung mag isa na lang muna ako sa kwarto at pigilan ang luha kong kanina gusto kong humalik sa aking mga pisngi.

Sa lahat ng oras hanggang sa pag-uwi kanina, hindi ko nakuhang tumawa o mangiti man lang. Sabi nga nila, baka raw nasaniban ako ng masamang ispirito. Ewan ko ngayun lang ako binuliglig ng kaba, pressure, pag-aalala at panghihinayang. Gusto ko ng makakausap pero natatakot akong mapagsabihan, dahil tiyak kong yun lang sukling makukuha ko kung ako ay magbubukas loob. Pero masakit sa dibdib. Mabigat. Higit kailanman, nararamdaman ko ang aking pag-iisa.

Habang tinatype ko ito ngayun, pumapatak ang luha ko na tila ba ulan sa tag araw, medyo nabasa na nga ng konti ang keypad ng aking laptop. Punasan ko na lang. Pero bakit nga ba ako mag mumukmok, mamomroblema at mawawalan ng pag-asa eh hindi naman ako namatayan. Hindi naman hopeless ang problema ko. Kailangan lang ng konting tiis, sipag, patience at tiwala sa sarili.

Kung meron man makakatulong sa akin sa problema kong ito, walang iba yung kung hindi AKO.Kaya tama na nga itong drama.

2 comments:

Myk2ts October 11, 2008 at 5:28 PM  

there are things in life that only YOU can resolve, but trust me, vent it. you need an outlet and im sure, hearing other people's thoughts could ease the pain. take care.

jhuice,  October 13, 2008 at 6:39 AM  

things will be better soon.. be positive lang..

parang may idea ako about this.. pero sabi mo nga nun, no unsolicited advice MUNA.. kaya ako, on the brighter side na lang ang iniisip, that everything will work out fine..

AJA! FIGHTING, FIGHTING!!