Tuesday, October 21, 2008

Tara..Kain Tayo

Kahapon to..

Hapon na naman, hapunan na naman! Hmmm. Hano na naman kaya ang makain? Huwat?! Prito na naman? Kahapon prito, nung isang araw prito din! Lord, purgang purga na ko sa kakain ng prito! Puro cholesterol na ang katawan ko! At nagmamantikta na rin ang mukha ko! Mainit na nga dito sa Dubai, pati sa pagkain, tagtuyot pa rin! Tatapusin ko na ang drama, hindi ako magpriprito ngayun. Pero tinatamad din naman akong magluto. Hay..alam ko na! Bibili ako ng lechon manok!

Lumabas ako ng bahay, naglakad nang kaunti to the right to the right. Ito ang Al Mallah Restaurant, diyan ako bumubili ng lechon manok kapag tinatamad na akong magluto.


At ito ang kanilang kakaibang grill! Sa halip na uling eh, LPG na rin ang gamit! O di ba totyal! Yan ang manok nasa loob, kaunti pa lang ang nakasalang kasi alas singko pa lang nang hapon at kakabukas pa nila. Umorder ako ng isang buo sa halagang higit 300 pesos.


At heto naman ako, nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang, este sa paghihintay ng aking biniling lechong manok.

Pabalik na ko sa bahay. Nag-aapura kasi tomjones na talaga ko.

Pagdating ko, sandok agad ng rice at binuksan ko ang laman ng mahiwagang supot. Ang daming dararkads ng manok! May kung ano ano pang kasama: May french fries, may tinapay, may garlic sause, may salad? at may pickles pa


So tara! kain tayo! At least ngayun kakain ako nang hindi prito! Pero naisip ko parang prito rin kaya to, wala lang mantika pero tuyot pa rin! Di bale, at least hindi ako nabwisit sa kakaprito na kadalasan ay mahirap gawin kasi tumitilamsik ang mantika, ang sakit kayang tamaan nun!


Pagkatapos kong lantakan ang kawawang manok, parang nasobrahan yata ako nang kain! Pumunta ako ng banyo, tsinek ko ang katawan ko kung tumataba na ba ko talaga sa kakakain at sa kakakain ng prito. Hmmmm, ok pa naman. Ganahan ka pa kayang kumain? Hahaha.

6 comments:

RJ October 21, 2008 at 12:20 AM  

Conscious!

Wala kang kasamang kumain? Kaya pala niyaya mo ako. [hahahah] "Tara... Kain Tayo"

paperdoll October 21, 2008 at 1:22 AM  

ang sarap. . sulit naman pala ung mahigit 300. . chaka nakakasexy pa yata:D

jhuice,  October 21, 2008 at 1:42 AM  

tamang ipakita ang "abs"!??!! hahaha!!! parang todo-inhale ka dun ah! teka, db ang usapan eh padalhan mo ko nyang chicken?? asan na?? =P

Myk2ts October 21, 2008 at 6:42 PM  

sarap ng tiyan... ng manok hehehe kakamiss na ang lutong bahay

jhuice,  October 21, 2008 at 9:26 PM  

"At heto naman ako, nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang, este sa paghihintay ng aking biniling lechong manok. " > antagal bago ko na-gets na may part ka pa lang kinuha d2 sa line ng song! ang slow ko maka-gets! hahaha!!

Chico October 21, 2008 at 9:57 PM  

@Jhuice...ur getting older jhu! take ka ng sustagen prime! hahaha