Wednesday, October 15, 2008

The Reasons

Now it can be told, the box will be opened. Some intriguing questions about this inevitable thing I call life and the reasons I am doing or not doing it.


WHY I BLOG?
Inggitero kasi ako. I live and breathe the adage “if others can, why can’t I”. I hope to learn and do every single thing that others don’t normally do. In a more positive perspective, I would say it’s not actually inggit but feeling inspired lang. I appreciate talents and I take inspirations from their works. Kaya nung minsan akong nakabasa ng blogs, I was motivated to made for myself. I have found a better outlet of my emotions, my heartaches, my successes and my life.

WHY RESIGN?
I am not happy with what I am doing or better yet with what I am not doing. Daig ko pa ang security guard na nagbabantay sa sarili kong computer at monitor baka may numakaw o dumekwat. Wala akong ginagawa sa office. It may sound absurd and ridiculous but that is the truth. I am a busy person. When I am not doing anything, my thoughts take me back home and na-hohomesick ako. I need some distractions, aside of course from myself. I need a real job closer to what I like.

WHY I AM IN DUBAI?
Said before, search for a greener pasture, pero jusko, wala pa lang pasture dito, puro disyerto saka buhangin at init, pero in fairness, may mga camels! At siempre GOLD! And there’s really plenty of it here, you don’t have to look farther and search for it, kasi kung magaling ka talagang mambola at magaling ka talaga (as in professionally), hindi malayong maka goldmine ka at sasabihin mong mas ok pala ang disyerto kesa sa pasture.

WHY I WALK FAST?
I want to reach my destinations earlier. Mabilis talaga akong maglakad, walang traffic signals para sa akin. When I am walking down the street, I don’t get myself distracted with the things around me. Derecho lakad lang. Wala paki. Kaya madalas napagkakamalang suplado. True. Kaya nga ang firm ng mga hita ko eh kakalakad.

WHY I TALK FAST?
That I don’t know why? Nang lumabas ako sa puerta ng Nanay ko eh ganyan na yata ako. Pero favorable naman sa akin ang mabilis kong pagsasalita. Minsan namura ko na pala yung kausap ko eh hindi pa niya namalayan. Pero madalas din, sa work, hindi raw ako magets sa mga sinasabi ko. Then I ask myself, nasan ba ang problema? Ako bang 1000 words per minute o ang kausap kong mahina ang comprehension. Well, kaya ko naman mag adjust eh so better na to kesa maging kalevel ko si Kuya Cesar!

WHY I AM STILL SINGLE?
Jhuice asks me this intriguing question. Hello as if naman siya eh married na! Anyway, marriage on my part is probably one thing na ikakamamatay ng Nanay ko! Ako kasi ang breadwinner sa amin, lahat, as in lahat, ng pangangailangan ng pamilya ko eh ako ang nagproprovide. And I don’t want to engage into something na alam kong ikakasama ng loob nila. I know I am on the marrying stage na, it’s my right, pero I love my family so much ayoko silang mapabayaan kung magkakaroon ako ng ibang priority.

WHY MY NOO-LINE IS EXPANDING?
Genetics! That’s the safest answer. Yan lang namana ko saTatay ko. How unlucky I am. Pero siguro manifestation yan ng pagiging “bright” ko. Pwede rin naman sign ng mga problema ko sa buhay. O talagang tumatanda na lang tayo and that’s one thing na hindi maiiwasan.

WHY I DISLIKE PEOPLE
May ganun? It’s not really something of a dislike, I just prefer to be alone. Lumaki kasi akong loner at sanay mag-isa kaya I really find it difficult to mingle with other people. Ayoko rin na matataong lugar at ayoko rin umaatend sa mga okasyon. Ewan ko ba, pero parang walang ibang gagawin sa akin ang tao kundi saktan ako kaya minsan inuunahan ko na sila. But I am trying very hard to open up my doors and embrace the fact the world is one big happy place, kailangan lang matutunan na we are part of it together with other people na kinaaayawan ko.

WHY I SING MY HEART OUT SA VIDEOKE?
Tanong ni jhuice. As in? Ganun akong kumanta? Performance level ba? Di ko kaya napapansin yun pero whatever I do kasi gusto ko maging sincere and honest. So nacacaried away lang siguro kaya emote na emote ako pag hawak ko na ang mikropono. Sabi nga ng mga judges sa mga singing contest, pag kumakanta ka, dapat may emotions at nakakakonek ka sa mga listeners. O di ba? Felling scholar na rin ako ni Mr. M!

WHY I ALWAYS INCLUDE HALF CRAZY IN MY VIDEOKE PLAYLIST
Kasi I have been half crazy once in my life. Yung tipong nawindang ako at parang naiwanan ng pag-ikot ng mundo noong mga panahon ako’y binigo ng tadhana at pinagkuntyabahan ng pag-ibig at pagmamahal. Yung tipong pauwi ako sa Kamuning Road pero di ko namalayang nasa Tomas Morato na pala ako. Hay at least I have moved on.

WHY I AM A FAN OF CHARICE?
Coz I can relate to her (ano daw? San galing yun, mangarap ba ng gising?). Because she makes me proud as a Filipino. She has proven na kahit hindi ka mukhang artistahin, pwede ka pa rin sumikat because of you TALENT. Na kung hindi ka man appreciate ng mga tao na malapit sa ‘yo, somewhere in this world will. Truly, you cannot bring a good man down.

WHY I AM A KAPAMILYA?
It is where you belong, it is where your heart is. San lupalop ng mundo ka man dalhin ng iyong paa, uuwi at uuwi ka pa rin sa iyong pamilya. Feeling ko kasi, ABS-CBN talaga ng istasyong may PUSO, yun iba ewan baka pusod o puson. Substance wise, panalo ang kanilang mga shows, hindi mababaw at hindi TELEBOBO. World class ika nga. Hindi rin sila mahilig sa sensational journalism, yung tipong yung newscast eh nagiging comedy show with matching “excuse me po, sabay ubo at dahak ng newscaster”. Genuine Pinoy ang environment hindi tulad sa Timog na napaka artificial nang dating, mababaw, exaggerated at maangas.

WHY I DON”T WEAR SHORTS IN PUBLIC?
I am not proud of my legs. Yes! Para naman akong sasali sa beauty contest na to ah! Kasi po may balat po ako sa hita hanggang sa sakong na kung titingnan mo eh parang banil o libag na hindi ko matanggal tanggal. Kakainis nga eh, kaya di ako nagsusuot ng shorts pag nasa labas ako ng bahay kasi nakakahiya. Short na lampas tuhod oo pero short ba rin ban g tawag don?

WHY I AM NOT CLOSE TO MY RELATIVES?
I am just giving back the unfavor. Kasi nung bata ako, hindi man lang ako napansin ng mga kamag anak ko kasi hindi ako kamukha ng lahi nila. As if sila eh German Shepherd at ako ay isang dakilang Askal. Kahit na ako ay palaging first honor, wa epek ang brilliant mind ko, echapuwera palagi. Kaya ayun, nagkulong na lang ako sa bahay naming buong buhay ko at nag aral. Ngayun malaki na ako at medyo successful na in life, ayoko nang baguhin ang nakasanayan ko kahit pa this time eh sila na ang lumalapit sa kin para makipagkwntuhan. (Ganun parang kill bill ang drama ng lolo mo?”

WHY I LOVE CHOWKING?
Loyal customer ako dati ng Chowking sa Shaw Boulevard opposite Shangrila Mall. Diyan ako madalas mag dinner, halos three times on weeknights. Siempre palagi kong order yung chicken laureate. Dapat din palaging may chilli sauce, toyo saka calamansi. Kahit minsan may nagkwekwento sa akin kung paano daw ka “WEIRD” piniprepare ang pagkain doon, di ko pinapansin kasi nakasanayan ko na talagang magdinner dito. Besides, open kasi to 24 hours ang branch na to kaya minsan wala na rin choice kapag wala na ibang makitang makakainan.

WHY I POSTED MYSELF IN YOUTUBE DANCING THE PAPAYA?
Hahaha, glad tinanggal ko na to! Wala lang, naiinggit lang ako ulit. That time kasi eh super popular ang Papaya ni Edu Manzano kaya naisip ko rin gumawa rin ng sarili kong video at ilagay sa Youtube. Pero contrary to what I have expected, jusko panay masasamang comments ang nareceive ko kaya naman tinanggal ko na siya. How gross! May nagsabi ba naman don na mukha daw akong sinaniban ni satanas na nakuryente at nangisay. Tama ba yun, ang sama nila.

WHY I LOVE GOING TO MOVIES?
Living alone in Manila, I didn’t have any vices or diversions aside from movies. Nakakalibang, pampalipas oras, pampaantok, pang-aksaya ng pera (as if naman ang laki ng sweldo ko dati). Second home ko na yata ang sinehan after office. Minsan dun na rin ako kumakain at nagmimit with friends. Parang ako nasa ibang lugar pag nanunuod ako ng movies, nakakalimutan ko ang mga problema ko kahit panandalian lang. Sa ilang oras na pagtalikod ko sa realidad ng buhay, naging masaya ako kapiling ang mga bituin sa gabing madilim.

3 comments:

RJ October 15, 2008 at 1:30 AM  

Nabuksan na ang mahiwagang baul!

We have 2 things in common:
1. Favorite ko rin ang Chowking, at Chicken laureate din ang favorite kong kainin doon with the same spices/flavors you've mentioned.
2. I love going to movies as well, pareho rin tayo ng dahilan...

Nag-resign kn pala sa job mo? May bago na ulit? Mag-post ka naman tungkol sa new job mo.

lucas October 15, 2008 at 5:30 AM  

wow.. ayaw mo naman magsulat.. ang haba pero nag-enjoy akong magbasa. hehehe!

pareho tayo ng reason sa pagbablog. natawa ako dun sa green pastures! hahaha! pero at least paraming gindto dyan. ahehehe!mabagal naman akong maglakad. hindi ako pwedeng magsalita ng mabilis kasi mabubuyou ako lalo na kapag tagalog. ahehehe! being single is good unless you're in a healthy realtionships and everything seems to be in place. dislike people? hindi naman dislike. siguro you prefer building more walls instead of bridges, ganun din ako minsan. my hairline is so high pwede na rin patungan ng kape ang noo ko. aheheh! mahilig din ako sa videoke! bitiw naman ang trip ko. i love charice. sana hindi mawala ang charisma niya sa mga foreigners. i don't watch local shows anymore since the advent of cable tv.jolibee at kfc pa rin ang fave ko. hehe! pero kung gutom na, ok lang kahit ano. i'm a cinephile too. so talagang nagsubmit ka pala ng papaya vid?? hahaha! parang gusto ko mapanood! hahahaha! i love to wear shorts. presko kasi.hihi!

peace out!

jhuice,  October 15, 2008 at 7:58 AM  

salamat sa special mention!!

again.. why NOT?!?!!

hehe =P