Thursday, October 16, 2008

2...1...0...

Nope hindi yan prequel sa awiting 214 ng Rivermaya. Oo marahil tama ka, countdown yan. Pero hindi ng kung anu mang kaabang abang na pagdiriwang o kapanapanabik na okasyon. Countdown yan ng paglisan, ng mga naiiwan kong mga kaibigan dito sa Dubai...

Hindi na rin ako nagulat o nagtaka o nagtanong sa sarili ko kung bakit at paano. Mahirap talagang magmaintain ng kaibigan lalo na kung hindi lang basta pakikipagkaibigan ng nais nilang mangyari. Nakakapanghinayang. Sayang. Pero ganun talaga ang buhay, sometimes you lose some, sometimes you lose all.

May dalawa sanang natira pero mahirap ipaliwanag ang nangyari. Basta na lang walang text, walang tawag, walang email. Aaminin ko mahirap din akong pakisamahan minsan o madalas pero binibigyan ko din naman ng imporatansiya ang mga taong nagmamahal at nakakaunawa sa akin. Pero kung choice nilang manahimik na lang saka lumimot, wala akong magagawa. Sanay naman akong mag-isa. Walang kausap, walang kasama, walang barkada.

Kung sakaling maisipan nilang bumalik, nandito lang naman din ako. Hindi naman mahirap baligtarin ang 2..1..o... Mas magiging masaya nga siguro kung ganito ang mangyayari.0..1..2..3..and so on and so forth. Mas maraming kaibigan, mas maraming kasama sa lungkot at ligaya. Pero mahirap pilitin ang hindi pa naaayon, hintayin na lang natin ang takdang panahon.

1 comments:

jhuice,  October 18, 2008 at 6:18 AM  

anyway.. sabi nga ng palasak na kasabihan: pag may umaalis, may dadating daw na kapalit.. gnun eh!