Monday, October 27, 2008

Libreng Sine

Kadalasan, nagbabayad tayo sa panonood ng sine para maaliw, malibang, matawa at para makalimot kahit panandalian lang, sa ating sanlaksang mga personal na problema pati na rin sa nakawiwindang na problema ng bayan. Pero minsan din, gumagasta tayo sa panonood ng pelikula para takutin ang ating mga sarili, para umiyak, para makisimpatya sa mga bidang naaapi at sa mga nawawalan ng mahal sa buhay. Nakakatuwa no? Biruin mo, gumasta ka para lang bigyan mo ang sarili mo ng takot, kaba, paghihinayang, lungkot at minsan mabigat na saloobin pagkatapos ng iyong panunuod. Pero anu't ano pa man, ang panunuod ng sine ay naging isa na sa ating mga nakahiligang libangan.

Dati, kailangan mong magbayad para lang makapanuod ng magagandang palabas sa pinilakang tabing. Pagbumili ka ng pirated, madalas kuha lang din sa sinehan with matching mga tumatayong mga tao pa. Matagal kasi ang agwat bago ito ipalabas sa telebisyon na kadalasan ay putol na ang ibang mga eksena. Pero hindi na ngayun, kasi maaari ka nang makapanuod ng pelikula sa internet nang libre. At dahil libre (pero ang internet connection may bayad), manuod ka man ng nakakatakot, nakakakaba, nakakaiyak, nakakabagabag at nakakapanakit dibdib, okay lang kasi libre naman.

Nitong mga nakakaraang araw, hindi ko na makuhang magsulat dahil busy ako sa panuunuod ng pelikula sa internet. Sa Crunchyroll at SurftheChannel ako madalas magbabad. Nung isang araw, pinanuod ko ang "A Very Special Love" nina John Lloyd at Sarah. Hindi ko kasi ito napanuod dito sa Dubai kasi talaga naman agawan ng tikets sa dami ng pumila. Binalikan ko rin ang nakakatanggal lungkot at nakakainspired na kwento ni Elle Woods sa "Legally Blonde". Nag second time din ako para panuorin ang Oscar's Best Picture na "Chicago" at "American Beauty". Sulit ang oras sa panunuod nga mga nakakatuwa at makabukuhang pelikulang ito.

Pero kanina, ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko at may pinanuod akong kakaiba. Nagbabasa ako ng ibang blogs ng madaanan ko ang link nito kaya binuksan ko. Foreign film siya, pero wag ka, hindi siya gawang America o Britanya. Hindi rin siya nakakatuwa o nakakaaliw. Malungkot ang pelikula, madilim, simple lang ang istorya pero malalim, kaunti lang ang characters, madrama, nakakaiyak, nakaka..ewan ko ba basta kakaiba. Nakakadepress. Yun ang tumpak na gusto kong sabihin. Parang mahirap mangyari sa totoong buhay ang kwento ng pelikula pero ewan ko din. Mahirap magsalita nang tapos. Bilog ang mundo. At sa larangan ng pag-ibig, walang impsoible, ika nga ng kanta ni Nina, "love moves in mysterious ways".

Pero bukod sa masalimuot na LOVE STORY nito, kwento ito ng pamilya, pakikipagsapalaran, pagpapakatotoo, kissing scenes! pero walang nudity, maraming actions, barilan, at patayan. Walang masayang eksena sa pelikula at mas lalong malungkot at depressing ang ending nito. Hay, siguro kung mga ganitong pelikula ang mapapanuod ko nang libre araw araw. Hindi na lang ako manunuod kasi sa kalagayan ko ngayun,pang aliw na palabas ang kelangan ko para mawala ang aking lungkot at pag-iisa. Pero maganda ang pelikula. Kung nais niyong mapanuod ang nasabi, eto ang link.

5 comments:

RJ October 27, 2008 at 6:06 PM  

Gusto ko sanang i-click yung link kaso baka napakalaki ng download size! Issue tLg sa akin yun kasi limited lang ang internet allowance ko. [Napansin ko medyo lumiit na ang size ng blog mo, kaya OK na ulit akong bumisita ng madalas dito. hahahah. New look ang blog mo.]

Mahilig din akong manood ng sine noong nasa Phils. pa ako. Buti kayo unlimited internet siguro...

jericho October 27, 2008 at 8:26 PM  

i've seen this before. kailangan ko lang maalala ulit .. hehe

paperdoll October 27, 2008 at 10:52 PM  

aco din mahilig. . i mean mahilig manood ng movies. . lalo na pag wla na tlga acong magawa. . bumibili aco nung pirated dvd na may 30 mahigit na pelikula. . 10 dun hindi nagana, 10 putol. 9 kulang kulang ung scene. san ka pa? hehe. .

ikiklik co ba ung link?, , , hmmmmm. . .

lucas October 28, 2008 at 2:03 AM  

it's amazing how motion pictures to transpost us away from reality. ganun kasi ako minsan. diversional activity ko ang panonood ng pelikula and it works somehoe :)

nagdadownload ako madalas ng pelikula sa internet. masaya lalo na kapag namiss mo yung pelikula sa big screen.

hindi na ako maxadong nanonood ng local movies. parang cliche's na yung mga stories lalo na yung sa mainstream. try to watch indie films :) galing!

jhuice,  October 30, 2008 at 6:31 AM  

nung binasa ko 'tong blog mo na 'to, i didn't bother to click on the link. and then just this moment, after i watched bangkok love story (with a very heavy heart..haaay). i remembered that there is a link in your blog that im supposed to view! and to my surprise, when i checked on it.. it was the same movie i just finished watching! naman!

un lang.. gusto ko lang i-share! hehe