Thursday, July 17, 2008

Tula ng Kalikasan

Alon
Along humampas sa dalampasigan
Buhangin sa gitla ay nagpulasan
Saglit na nalunod sa dalang banyuhay
Ng along sa laot ang dumi’y tinangay

Ulan
Sa patak ng luha nitong sawing langit
Bumalot ang lamig sa dilim ay kumapit
Dumagundong ang lupa waring pinipilit
Pahirin ang lungkot ng bahang sumapit

Ulan 2
O, ulan bakit sa ‘yong pagdating
Lumbay ng puso ko’y waring nasikil
Hagilap na damay tila nagpapansin
Luha ng nabigo sa pisngi’y papahirin

Ulan 3
Suliraning kaybigat
Tila walang lapat
Ulan di maampat
Bahang di masukat

Bahaghari
Pagkalipas ng unos
Nagpinta ang Diyos
Sa langit idinaos
Pitong kulay ang ginapos

Palay*
Palay siyang matalino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit biglang tumayo
Nagkabunga ng ginto

Mising*
Tinolang walang sabaw
Bombilyang walang ilaw
Dalagang walang dalaw
Parang akong walang ikaw
*not original

1 comments:

angie August 2, 2008 at 6:58 PM  

..thanks.. :) take care...
..angie..