Saturday, November 1, 2008

Kagat Dila

Kahapon, habang pinag-pipiyestahan ko nung tanghalian ang bahaw mula sa kagabing sinaing, kasabay ang dalawang piraso ng pritong porkchop, NAKAGAT KO ANG DILA KO!!


SUGATANG DILA
Aray! Dangan kasi ay makunat ang lintik na porkchop (matanda siguro yung baboy) kaya naman di pa man ako nakakarami ng subo ay tumigil na ako sa pagngata dahil na rin sa laki at hapdi ng sugat ng aking tinamo mula sa pagkakakagat. Malaki ang sugat at madugo. Kung itutuloy ko pa ang pagkain, malamang eh dinuguan na ang aking malalasahan dahil sa di maampat na pagdurugo. Kumuha ako ng panyo at binasa ko ng malamig na tubig saka ko inipit ang sugat sa aking dila, ilan minuto pa ay tumigil na ang pagdurugo nito at wala na rin akong malasahan malansa sa aking bibig.

MADUGONG USAPAN
Malansa kasi ang dugo ng tao. Ewan, nakakasuka! Alam ko kasi pag ang dugo ay galing sa tao, iba ang amoy at lasa. Nakakain na ako ng dugo ng manok at baboy sa mga lutuing bahay. At nung bata naman ako, di yata matatapos ang isang araw na hindi dumudugo ang ilong ko lalo sa mga panahon na tag-init. Hindi ko alam kung bakit palaging nangyayari yun sa akin nung bata pa ako, hindi ko na nakuhang magpatingin pa sa doktor dahil na rin sa kawalan ng pera. Bangungot ang araw araw na dumudugo ang ilong ko, daig ko pa ang nireregla, kasi ang regla hindi mo nalalasahan, pero pag galing sa ilong, nalululon mo pa siya. Sabi kasi dati, pag dumudugo ang ilong mo, itatas mo daw ang ulo mo para tumigil. Kaso ang dugo ay napupunta sa lalamunan kaya naman at doon siya naiipon. Pag tumigil na ang pagdugo, malalasahan ko ang dugo na naipon sa aking lalamunan. Malansa at nakakasuka. Pilit ko siyang ilalabas sa pamamagitan ng pagdahak. Bangungot talaga yun para sa akin, ang ilabas ang sarili mong dugo na buo buo na para bang yung dugo ng manok na itinitinda sa tabi tabi. Salamat na lang at nawala na ang ganun pangyayari mula ng mag high school ako.

MISSING ME?
Balik tayo sa nakagat kong dila, ang sabi ng kaibigan ko, baka raw may NAKAALALA sa akin. Hmmm. oks naman pala eh, sa isip ko, at least may nakaalala sa akin kahit pa muntik lang naman na matanggal ang piraso ng aking dila. Pero sino? Yung pamilya ko kaya sa Pinas na naaalala ako tuwing katapusan ng buwan? Yung mga kaibigan ko kaya sa Maynila na nagtext sa akin kahapon na gumimik daw sila sa videoke bilang holloween gimmick? Yun kayang mga nalungkot dahil nakabasa ng blogs ko at nalaman na wala na akong trabaho? Baka naman yung mga natuwa sa galak at nalaman na wala na akong trabaho? Yun kayang mga taong iniwan at kinalimutan ko? Wala ang akong ideya kung sino pero marami. Marami kasi dati ang nagmamahal sa akin pero binalewala ko at pinili kong mamuhay ng malayo sa kanilang paningin, pagkalinga at pagmamahal.

Kung nakagat ko man ang dila ko dahil nga may nakaalala sa akin, pinapatunayan ba nito na kahit ako ay tumalikod at lumimot, sila ay nandiyan pa rin handang dumamay kahit sa diwa at panaginip lamang. Pwede ko naman makagat ang dila ko ng hindi gaanong masakit at malalim, siguro kaya ay sabay sabay silang nakaalala sa akin. Masakit pero kung totoo ang kasabihan na yan, nakakatuwa na rin isipin. May nagmamahal pa pala sa akin.

7 comments:

jhuice,  November 1, 2008 at 3:10 AM  

asus.. wag kang magdrama ha! oo naman, labs ka naman namin noh! everytime na may videoke kme, naalala ka namin (niyaya ka pa nga namin sa halloween videoke db?? sabi namin eh kahit overnight stay ka lang d2 sa manila! hahaha!!).. naalala ka namin sa videoke khit na malupit tyong magkaaway sa mic! khit na kulang na lang eh magtig-i-tig-isang videoke na tyo para lang ma-accomodate na makakanta tyo lahat! hahaha!!! kya malamang, part kme sa kagat-dila experience mo! hahaha!!

RJ November 1, 2008 at 4:10 AM  

1. May pork pala sa Dubai?! Akala ko wala.

2. Ayaw ko ring makakita at makaamoy ng dugo ng tao. Pero pag sa mga hayop naman, ayos lang ako.

3. Sa iyong MADUGONG USAPAN, napansin ko sa blogosphere uso yung term na NOSEBLEED. Si Dude, sabay rin sa uso. Opps huwag magalit, sana naman ngumiti ka bro, at wala na yung mga 'Ligalig' nung nakaraang araw.

4. Sa mga nakaalala sa iyo... Kahapon hanggang ngayon hindi talaga tumunog ang roaming mobile ko. Naisipan kong kunin ang number mo rito sa blogpage mo para kumustahin ka, kasi nga nalungkot din akong wala kang work ngayon. Pero hindi ko na nakita ang mobile number mo rito. Isa rin siguro ako dun sa mga 'yon kaya ikaw ay may...

KAGAT DILA.

Ayos, bro, nabigyan mo ng magandang post ang paniniwalang ito.
-----------
Pahabol: Nagulat naman ako sa iyong photo sa previous post mo rito.

chico November 1, 2008 at 4:51 AM  

@ rj, yap, may baboy din dito, aside don sa mga nagtatabaan nating kababayan, yun baboy na kinakain at ginagawang adobo etc eh mabibili rin dito sa designated na supermarkets, hindi lahat. At kadalasan nasa separate kwarto siya at may nakasulat pang "muslims not allowed". hehehe

hindi na nga ako nagkaka nosebleed ngayun eh, nung bata lang ako. regarding sa "nosebleed", yan ang sinasabi kapag masyadong malalim ang ingles o kahit tagalog na words na tipong hindi mo naintidihan ng meaning kaya halos nag nosebleed ka na. hahahha

thanks pala sa mga nakakaalala! ,busy lang sa kakaapply kaya medyo lie low muna sa blogging. kaya ayan pati weird na picture ko nailagay ko na sito sa blogs! ayos naman eh pang hollwoeen entry!

I am Bong November 1, 2008 at 5:23 AM  

mas nakanakaw ng pansin sa akin yung picture. dami naman kasing dugo... di naman cguro ganun kadami ang dugo sa kagat dila mo, parekoy... hehe

talking about the main thought of ur post, marami naman cgurong nagmamahal sa'yo parekoy. Only, when we are within a deep emotion, we tend to forget them. We tend to feel that we are alone. But try to relax and look around. I'm sure, there are a lot of them...

Magsermon ba naman. Hehe. Nakaka-relate kasi ako sa mga ganitong emotes...

Anyway, i believe kaya mo yan Parekoy! aja!

lucas November 1, 2008 at 6:41 AM  

epistxis ang tawag dun. yung pagdudugo ng ilong mo. possibleng trauma xa o di kaya pumutok ang blood blood vessels mo sa ilong dahil sa init at mataas na BP..maraming factors...

kapag nakagat ang dila ibig sabihin may nakaalala sayo? eh pano kapag nakagat tapos nagdudugo? baka may in love syo mate! hahaha!

peace out! happy halloween!

Roland November 2, 2008 at 6:34 AM  

madugo ang usapan dito, hehehe... wala ka nang work? ...meaning nasa pinas na ikaw? ...sad, kung kailan magpapasko saka nmn nawalan ng work.

chico November 2, 2008 at 7:29 AM  

@roland, yap nagresign ako
:-( .nasa dubai pa rin ako! kakansel pa lang ng visa ko, pero naghahanap na ako ng bagong work. At hinding hindi ako uuwi ng pinas kahit na ano mangyari. sukdulang ..... hehehehe