Thursday, October 9, 2008

Pinoy sa Likod ng Kurtina

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month.
And why not? Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it's a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap!

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga --- kurtina!

Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!

Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold , such conditions are becoming the norm.

Sideways...sidesteps
Hindi yan dance step. That's the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. "Hoy, where have you been, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!" Kasi nga lagi silang naka-sideview!

Warning: Smoking is dangerous to your room.
Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya!

Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan --- Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na 'tuna' ka, o di kaya 'sirena' kung feel mong si Marian ka.

"Ate, di ba fire hazard yan?" "Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!"
"Illegal ang partions sa Dubai . At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!" "Yes, Ate."

Therefore, 'no smoking': ang sirena baka maging daing!

Burj Al 'Cupboards'
Hindi lang Emaar Properties ang may 'K' na magtayo ng skyscrapers? Haven't we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes?

Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila --- para ang isang kwarto maging lima !

Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna. Siyempre, the taller the better --- you keep your neighbor's eyes away.

Now Showing
Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie --- sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.

Ang gandang movie, di ba? "Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!" Paraisong Kurtina Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry.

Be proud of our Paraisong Kurtina.
It exists because we'd rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, "I have saved again, inay; I'll be able to send money next month."

O ano? Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????

3 comments:

RJ October 11, 2008 at 2:48 AM  

Ganun pala yung tirahan?! Well, sanayan lang din yan, ang sa kin nga rito eh...

Dream ko pa rin pumunta sa Dubai, Dude, just to see the place.

Roland October 11, 2008 at 9:39 AM  

ganun? ...kurtina lang ang pagitan... sa totoo lang, para saken the best paren ang ksa.

Lance October 14, 2008 at 2:17 PM  

wow.. i am becoming a constant commenter(?) here...hehehe
baka pag natabig ng hangin ang kurtina, makakakita ka ng gumagawa ng milagro..hehehe u know...