Friday, October 17, 2008

Ina, Anak

"I'm sorry mama,

I never meant to hurt you,

I never meant to make you cry,

but tonight I'm cleanin' out my closet..."

Parang gusto kong i-rap ngayun ang kantang yan ni Eminem. Feeling ko kasi, nadisappoint ko naman ang Nanay ko sa pinakabagong ginawa ko sa buhay ko. Oh well, paano ko nga ba uumpisahan at paano ko tatapusin....



Sa totoo lang, makaNanay ako mula pa noong maliit pa. Siya daw kasi ang kahawig ko. Tama nga naman, magtaka ako kung maging kamukha ko yung Nanay ng kapitbahay namin eh hindi ko naman kadugo yun. Sa aking paglaki, siya ang kasama ko sa lahat ng pagkakataon na dumudugo ang ilong ko, tuwing may sakit ako. Naalala ko tuloy, nung ako eh tinule sa ospital, kasama ko din siya. At halos parang nasasaktan din siya sa tuwing ngumingiwi ako sa sakit sa tuwing may tinatapyas na balat sa aking ...... Bata pa ako noon at hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin ng katagang Mama's boy, basta ang alam ko mahal ako ng Nanay ko kaya niya ako sinasamahan sa kahit saan, kahit hanggang sa ako ay maging binata na.



Pero hindi naging sapat yun para ako eh maging open sa aking mga magulang. Ewan ko ba? Nasobrahan yata ako sa talino kaya habang lumalaki ako eh naniwala akong kaya kong pasanin ang daigdig na mag-isa. Close ako sa Nanay ko pero hindi ako nakapagsabi sa kanya ng aking mga problema, kahit isa kasi mahal ko siya. Ayokong dagdagan pa ang kanyang mga iniisip sa buhay kaya wala akong anumang sinabi sa kanya tungkol sa aking lovelife, tungkol sa aking pag-aaral, tungkol sa aking mga pangarap. Basta palagi kong pinapakita sa kanya na okay ako, magaling ako. Na ako si Superman.



Pero maging si Superman ay nasasaktan din. Pero di ba ang pangit isipin na ganun siya kasi marami ang umaasa sa kanya at marami ang nagtitiwala. Kaya naman sa aking paglaki, walang nakaalam ng aking mga pinagdaanan, maging ang Nanay ko. Itinago ko lahat sa dibdib ko ang bawat hinahakit ko sa mundo, lahat ng mga mabibigat na suliranin ay mag-isa at pinilit kong isalba. Ayokong siyang madisappoint, ayoko siyang biguin, ayoko siyang mawalan ang pag-asa kung makikita na akong mahina, marupok at natatalo.



Pero mapagbiro ang tadhana, mapanubok. Palagi sinusubok ang aking pagtitimpi, ang aking pang-unawa. Pilit kong kakayanin ang kahit ano lalo na kung nakasalalay dito ang buhay at pag-asa ng aking pamilya. Pero ako ay tao lang din, bumibigay, sumusuko, nasasaktan at nagdaramdam. Sa mga pagkakataong sadyang hindi ko na kaya ang isang bagay, bibitiw ako pero masakit at mabigat sa kalooban. Paano na si Nanay?


Alam kong hindi niya kayang kasamaan ako ng loob dahil ako'y naging mabuting anak sa kanya simula pa lang. Mauunawaan niya ako. Pero hindi maaaring tanggapin ko na lamang na ganun yun. Responsibilidad ko na ang maging mabuti at mapagbigay na anak. Masakit para sa akin na bigla na lamang akong magiging isang problema para sa ibang tao lalo na sa aking pamilya.



Maraming bagay na akong inilihim sa aking Nanay na hindi ko sinabi dahil na nga sa ayoko na rin siyang gambalain ng kalooban. Maging yung dahilan ng hindi ko pagsipot sa High School Graduation ko, kung bakit ako nagresign sa trabaho, kung bakit ako umalis ng Dubai at bumalik sa Pilipinas, kung bakit ako minsan umuwi na may malaking chikinini sa leeg, ang dahilan kung bakit galit ako sa mga kamag anak namin at marami pang iba ay hindi ko rin naibahagi sa kanya. Punong puno ang dibdib ko ng mga kwentong sanay ikakatuwa niya kung nasabi ko man lamang. Pero nag uumapaw din naman ang mga salaysay na puno ng hinanakit, sama ng loob at kawalan ng direksyon. Mga bagay na hindi ko nasabi.



At ngayun nga, isa na naman hakbang ang sigurado kong ikalulungkot niya ang aking ginawa. Hay, ayoko sanang malaman niya ito pero hindi ko alam kung posible. Pero gusto ko lang din sabihin na hindi naman ako sumusuko at patuloy pa rin lumalaban. Sana lang, sana naman, bago makarating sa kanya ang masamang balita eh nakakuha na ko ng mabuting kapalit.

3 comments:

paperdoll October 17, 2008 at 6:57 PM  

nkabuntis ka noh? hahaha. . sigurado namang maiintindihan ka nun kahit ano man yun. . aco nga walang nagawang mabuti. . pero asan aco? pabigat parin:D maiintindihan ka nya na tao ka lang, na anak ka lang, na lalaki ka lang at hindi talaga ikaw si superman. .

wow! ngayon lang aco naging ganito kadrama sa comment. . ampf!

RJ October 18, 2008 at 2:42 AM  

Naku, Dude, ramdam kong parang gusto mo na talagang sabihin sa Nanay mo ang inililihim mo sa kanya ngayon. OK lang namang sabihin mo sa kanya yun, I'm sure mauunawaan ka niya. Tiyak, hangad rin naman nya ang iyong kaligayahan.

Sigurado rin ako makakakuha ka rin kaagad ng 'kapalit' (job?)

jhuice,  October 18, 2008 at 6:13 AM  

sam lagot ka! sumbong kita sa mama mo.. text ko cla!! hahaha!! peace! =P